Mga Iba’t-ibang Uri ng Commuters sa Metro Manila

Disclaimer:

This article is purely base on author’s personal experience in her everyday commuting to work. I did not intend to offend any person in this writings. This is made for entertainment only. Read at your own risks. Haha.

—————————————————

Sa panahon ngayon, halos araw-araw nalang nababalita ang trapik sa Metro Manila lalung-lalo na sa kahabaan ng EDSA. Yung tipong halos maubos mo na ang playlist mo sa cellphone, halos maabutan mo na ang sarili mong top score sa laro mo sa tablet at natuyo na ang buhok mo sa haba ng byahe mula C5 hanggang Pasay. Kung isa ka sa mga commuters na dumadaan dito mula Lunes hanggang Biyernes, relate ka sa article na to…at maaari ring isa ka sa mga commuters na to. Haha!

The Sleeping Giant Commuter

This is of two types; una, yung mahimbing ang tulog sa byahe na halatang halos walang tulog nung gabi dahil sa kakaparty kahit di pa weekend, may insomnia,  ginawang tubig ang kape , naglaro lang ng COC (Clash of Clans) o trip mo lang talagang magpuyat. Kung isa ka sa mga tulog sa byahe na may kasama pang paghihik, anuman ang dahilan mo kung bakit tulog ka, belong ka sa uri ng commuter na to. Isa kang tunay na nocturnal mammal.

Pangalawang uri ng commuter na to ay yung di naman talaga tulog, trip niya lang magtulug-tulugan habang bumabyahe. Madalas nakikita to sa mga pampasaherong bus kung saan malaki ang tsansa mong nakatayo ka mula Novaliches hanggang Taft lalo na kung rush hour. Karamihan sa mga uri ng commuter na to ay mga lalaki na kunwari tulog para di sila maagawan ng upuan ng babaeng kanina pa nakatayo sa tapat nila. Kung isa ka sa mga ‘to at marami ka ng naloko sa pagkukunwari mong tulog ka, isang malaking palakpakan para sa acting skills mo. Hahaha!

The Perfume Hoarder Commuter

May dalawang uri ng commuter ang perfume hoarder; isang positive at isang negative. Positive ka kung isa ka sa mga mababangong commuter; fresh at laging amoy bagong ligo, kasi ang mga kinolekta mong pabango ay gamit-gamit mo. Isa kang biyaya sa isang mausok at mahabang byahe sa EDSA.

Ngunit kung belong ka sa negative na uri, please lang wag mo ko sabayan sa byahe. Sila yung mga commuters na literal na kinolekta lang ang pabango, at ITINAGO. Ginawang display sa mga cabinet at hinayaang magexpire. Sila yung mga commuters na its either na literal na galit sa pabango (di man lang naisipan magpabango o magdeo man lang) o yung galit na galit sa pabango (ginawang sabon at shampoo ang pabango na halos mangapit-bahay na sa tapang ng amoy). Tandaan, lahat ng sobra masama. Kung ikaw yung tipo ng commuter na amoy hapon na kahit umaga palang, congrats belong ka sa team negative. Haha!

The “I Woke Up Like This” Commuter

Kung may perfume hoarder na di mo madetermine ang amoy, syempre may pinsan siyang uri ng commuter at ito na nga ang “The I Woke Up Like This” commuter. Sila yung mga tipo ng tao na pagbangon para bang di na nagawang magbihis o magsuklay man lang bago pumasok sa trabaho o school. Belong ka sa group na to kung di ka naliligo, nakalimutan mo magsuklay, kumain pero di nag-toothbrush, at di man lang naghilamos. Aminin man natin o hindi, may mga nakakasabay tayong akala natin ay nautusan lang ng nanay na bumili ng suka sa kanto at nakalimutan na ata umuwi. Paalala lang, di masamang maglinis ng katawan at magmukhang presentable lalo na kung makikisalamuha ka sa iba’t ibang uri ng tao at para di ka narin mapagkamalang holdaper.

The Rush Hour Buster

Kung may mga taong pagbangon e mukhang umalis na agad ng bahay dahil sa mali-late na, may mga tao naming ayaw na ayaw malate, na halos magliliwanag palang e nasa byahe na kahit eight pa ng umaga nagbubukas ang opisina. Madalas sila din yung inaantok-antok sa byahe at nakikitang tulog pag lunch time. Sabi nga nila ‘the early bird catches the worm”… totoo nga naman, kasi pagdating mo sa opisina, ikaw ang tagabukas ng ilaw at aircon; nauna ka pa sa mga janitors. Isa kang huwarang manggagawa, sana lang ay gising ka maghapon at di ka natutulog sa trabaho.

The Musician

Isa ito sa mga nakakaaliw na uri ng commuter sa Metro Manila; daig mo pa ang nanonood ng live concert ng paborito mong banda. Madalas sila yung may mga nakapasak na earphones o headset sa tenga na nakatodo ang volume. Kaya kung katabi mo siya, alam na alam mo kung anong kanta ang nasa playlist niya. At hindi lang siya basta sasabay sa playlist niya, aakalain mo din na may mga dala-dala siyang drum set o kaya naman gitara na di natin nakikita dahil aakto siyang nagdradrums at naggigitira. Nakakaaliw sila panoorin dahil aakalain mong may sarili silang mundo at nananaginip siya nang gising na nagkoconcert siya sa Araneta Coliseum. ‘Da best silang tabihan kung gusto mong maaliw buong byahe at maki-soundtrip sa playlist niya. Kung ayaw mo ng malikot na katabi, sila ang dapat mong iwasan.

The Newscaster

Kung ayaw mo ng malikot na katabi pero gusto mo yung gising ka buong byahe, try mo tumabi sa mga “Newscaster”; ito yung mga commuters na madadaldal at di nauubusan ng kwento. Di mo namamalayan naikwento na niya ang buong buhay niya sayo; mga nilaro niya noong bata pa siya, mga crushes niya na ni isa sa mga pangalan na binanggit niya e wala ka naman talaga kilala, mga lugar na pinuntahan niya, mga idolo niyang artista na malamang patay na ngayon, at mga plano niya sa buhay. Sila yung umaga palang nag-uumapaw na sa enerhiya at sa laway; mapapatanong ka nalang kung ilang bote ng energy drink ang nilaklak nila sa umaga. Pero kung tahimik kang tao at gusto mo ng mapayapang byahe, iwasan mo sila o kaya maging sleeping giant ka (magtulug-tulugan ka).

The Running Politician

Ito yung mga tipo ng commuter na aakalain mong kakandidato sa pagkasenador dahil panay ang ngiti at maaliwalas ang mukha; nakaka-good vibes sila makita sa umaga lalo na kung masama ang gising mo, para bang pinapaalala nila sayo na wala ka dapat ika-badtrip sa mundo. Pero may mga pagkakataong nakakaasar na din sila. Nakakaasar kung ngiti sila ng ngiti kahit napakatraffic na sa EDSA at malilate ka na, nakakaasar kung naapakan ka na nga pero nakangiti pa din sila, nakakaasar kung plastik na yung ngiti nila; iilan lang yan sa mga dahilan kung bakit nakakainis din sila minsan. Para bang pinaparamdam nila na badtrip ka at masama gising mo tapos sila kala mo nanalo sa lotto. Edi wow!

The Emo

Kung may masasaya, syempre may mga malulungkot. Di man natin alam ang karamihan sa mga dahilan nila, mahahalata naman sa mga ekspresyon ng mukha nila. Iilan sa mga karaniwang dahilan ay tulad ng pagiging late nila dahil sa traffic, sawi sa pag-ibig, at higit sa lahat problemang pinansyal. Pero madalas nakakaaliw tignan ang mga commuters nila, dahil madalas na nakadungaw sila sa bintana ng mga bus, feel na feel ang hangin na may kasamang polusyon at akala ata ay nasa music video. Madalas silang malayo ang tingin kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay habang nasa byahe, tabihan mo sila.

The Untouchables

Kung may mga taong accommodating masyado at feeling close na kayo sa byahe, may mga tao naman pinaglihi sa galit. Sila yung tipo ng mga commuters na bawal masagi, maapakan, mahawakan at minsan bawal ka dumaan sa harap, likod o gilid nila. Sila yung maagang nakakapagpa-init ng ulo dahil kahit todo “excuse me po” ka na, di sila gigilid para makadaan ka. Madalas silang mahirap makasabay sa pampublikong bus kung saan tayuan, siksikan at halos magkapalit-palit na kayo ng mukha sa sikip. Kapag sinabi na ng konduktor na “patagilid lang po ang daan” o kaya naman “pakiurong lang po sa dulo maluwang pa”…. on cue sisimangot sila dahil paniguradong masasagi sila o kaya maaapaka dahil kahit ipagtulakan mo pa sila papunta sa dulo ng bus, kahit kalian di sila uurong kahit sa EDSA-Taft pa naman talaga sila bababa. Magbaon ka ng maraming pasensya kasi madalas sila nakikipagsagutan at nakikipagsigawan sa konduktor at sa kapwa commuter.

The Beast Mode

Kung sa tingin niyo malala na ang sapak ni “Untouchable”, may mas malala pa. Ito yung mga uri ng commuters na aakalain mong pinaglihi sa sama ng loob; ni isang ngiti wala kang makikita sa kanila. Daig pa nila ang may sampung-libong problema. Matatakot kang tabihan sila kasi tingin palang nila nakakamatay na; laging salubong ang kilay, nakasimangot, at mukhang isang kalabit mo lang ay masasapak ka na. Sila yung tipo ng commuter na tanungin mo lang kung may nakaupo na ba sa tabi nila ay sisigawan ka na. Ayoko sila makasabay sa byahe, ayoko kasi mahawaan ng bad vibes. Yung feeling na ang saya ng gising at ang ganda ng umaga mo tapos sila pa makakatabi mo sa mahigit kumulang talong-oras mong byahe papasok sa trabaho; dyahe yun.

The Lost

Kung may mga taong sadyang nakakabadtrip at nakakasira ng araw katabi o kasama sa byahe, may mga nakakaaliw din naman katulad nitong si “Lost Commuter”. Ito yung mga taong panay ang tingin sa bawat kanto at kalye na nadadaanan ng bus. Malalaman mong nawawala sila kung panay ang tanong niya sa katabi niya kung malapit na ba siya sa pupuntahan niya. Madalas sa tabi sila ng driver nakaupo o kaya naman sa likuran nito, panay ang paalala sa driver na ibaba sa pupuntahan niya. Ang masaklap ay kahit anong paalala niya, nakalimutan ng driver at lumagpas na pala siya. Edi lalo naligaw, saklap!

The Rich Man’s Daughter/Son

Sila naman yung mga pinaglihi sa isang libo. Madalas silang nakakaaway ng mga tsuper at konduktor sa umaga dahil palage silang walang barya. Oo, umaga palang limang daan na ang pera nila at wala daw silang barya. Hindi naman sa panghuhusga pero manghuhusga na ko; minsan naiisip ko sinasadya na nila na di man lang magpabarya sa gabi bago umalis para makalibreng sakay sa umaga. Madalas kasi kung walang maipanukli yung tsuper o konduktor, hinahayaan nalang nila at di na pinagbabayad si “rich man’s daughter/son”. Ayos din sa style, talagang magiging mayaman ka sa araw-araw mong natititpid na pamasahe sa umaga. Ayos!

The Watchmen

Kung may mayaman sa pera, may mga magaganda naman at bago ang relo kaya siguro panay ang tingin sa oras at sila nga ang mga “watchmen”. Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit tingin sila ng tingin sa relo; una, malilate na sila at tinitignan kung kaya pa ba nila umabot kung tatakbuhin ang kahabaan ng EDSA o kaya naman pinagmamayabang lang nila ang bago at mamahaling relo. Alin ka sa dalawang yan?

The Mananakawan

Sila yung mga tipo ng commuters na kulang nalang pagsigawan na “may iphone ako”, “may ipad ako”, may “itouch ako” at kung anu-ano pa man. Halos ilabas na nila lahat ng gadget na meron sila  habang nasa byahe. Madalang ko man sila makasabay pero sa tuwing nakikita ko sila, gustung-gusto ko sila batukan at sabihin na “wag kang iiyak-iiyak pag nanakaw yan sayo!” Pakialamera na kung pakialamera, pero nakakairita na kasi e. Haha!

The Overprotective

Kung may mga taong mananakawan, may mga overprotective naman na sa sobrang higpit ng hawak at yakap nila sa bag o gamit nila, halos masira na. Lingon ng lingon, nagmamatyag sa paligid, at nakikiramdam sa mga katabi; minsan aakalain mong sila yung magnanakaw at naghahanap lang ng tamang timing para sumigaw na “holdap to!”

The Smoke Detector

Sila yung mga tipo ng tao na galit sa usok, galit sa pabango, at galit sa mabaho.  Panay takip lang sila ng ilong; awkward sila katabi minsan kasi aakalain mong nangangamoy ka at nababahuan sila sayo kahit kaliligo mo lang. O baka naman talaga health conscious lang sila at ayaw pa nila mamatay. Intindihin nalag natin.

The Hair-Spray

Literal. Sila yung mga tipo ng commuters na akala mo commercial model ng shampoo. Wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila lalo na sa katabi nila na halos kainin na lahat ng buhok nila. Ayoko sila katabi kasi ayoko mag almusal ng buhok; at sa mga umagang trip ko magtaray nakakatikim sila sakin. Minsan sana matuto sila pakiramdam sa pakiramdam at sana man lang wag silang feeling commercial model ng shampoo at conditioner sa isang masikip at siksikan pampublikong transportasyon.

The Clown

Hindi sila masayahin, literal na pang clown lang talaga ang make up nila. Yung tipong maaga pa, namumutok na sa pula ang labi at pisnge nila na akala mo binugbog ng sampung tao. At minsan di pa sila nakukuntento, nakuha pang magretouch at kapalan ang make up habang nasa byahe. Minsan mapapatitig ka sa kanila at mapapaisip ka kung sila ba ay frustrated make-up artist at mukha pa nila ang napagdiskitahan.

 

The Sickly

Singhot-bahing-ubo – yan ang hobby nila. Di uso sa kanila ang Vitamin C at minsan nakakatako sila katabi kasi baka mahawa ka. Pero minsan mas nakakabuting intindihin nalang natin sila; baka kailangan lang talaga nila pumasok sa school dahil may exam o sa trabaho dahil may importanteng meeting. Ano man ang dahilan nila, sana gumaling na sila. Haha!

 

 

The Man of Steel

Masyado silang malakas kaya di na nila nararamdaman ang mga dala-dala nilang gamit. Literal na dala nila yung buong bahay nila na kapag sinilip mo yung bag nila, kaya nila mabuhay ng isang buwan sa kalye. Aakalain mo ding naglayas sila sa dami nilang dala; yung tipong pag uupo sila sa tabi mo, sakop na nila yung buong space at kulang nalang sabihin sayo na umalis ka sa pwesto mo at ilalagay niya yung bag niya. Hahaha!

Iilan lang to sa mga nakikita at nakakasabay natin araw-araw papasok sa eskwela o sa trabaho. Nakakatuwa yung iba, pero may iilan nakakainis na. Pero anuman o sinuman ang makasabay natin sa kanila, lage natin tandaan na agahan pumasok para di malate at di abutan ng katakot-takot na trapik. Goodluck sayo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s